Ang Maritimong Daang Seda o Maritimong Rutang Seda[2] ay ang pandagat na bahagi ng makasaysayang Daang Seda na nag-ugnay sa Timog-silangang Asya, Silangang Asya, subkontinenteng Indiyo, tangway ng Arabia, silangang Aprika, at Europa. Nagsimula ito noong ika-2 siglo BK at lumaganap hanggang ika-15 siglo PK.[3] Pangunahing itinatag at ipinatakbo ang Maritimong Daang Seda ng mga Austronesyong mandaragat sa Timog-silangang Asya na nagpatakbo ng mga malalaking barkong pangkalakal na naglayag nang malayuan sa karagatan (tulad ng daong).[4](p11)[5] Ginamit din ang ruta ng mga dhow ng mga Tamil na mangangalakal sa Timog Asya,[4](p13) at ang mga Persa at Arabeng mangangalakal sa Dagat Arabe at higit pa.[4](p13) Nang maglaon, sinimulan din ng Tsina ang paggawa ng sarili nilang mga barkong pangkalakal (chuan) at sinundan ang mga ruta, mula ika-10 hanggang ika-15 siglo PK.[6][7]:17
Sinundan ng daan ang hakbang ng mga mas lumang daang-dagat sa Timog-silangang Asya,[8][9][10][11] pati na rin ang mga pang-espesyang daang-dagat ng Timog-silangang Asya, Sri Lanka, Indiya, at ang Karagatang Indiyo, at nagkataong tumapat sa mga sinaunang daang pangkalakalan sa dagat sa kasalukuyang panahon.[12][13]
Isang modernong pangalan ang katawagang "Maritimong Daang Seda". Walang tiyak na pangalan ang sinaunang rutang pandagat sa Timog-silangang Asya at Karagatang Indiyo para sa karamihan ng napakahabang kasaysayan nito.[4] Sa kabila ng pangalan nito sa modernong panahon, samu't sari ang mga kinalakal sa malawak na sakop ng Maritimong Daang Seda, hindi lang seda o mga Asyanong luwas.[7]:17, 20, 149, 168 Kabilang sa mga kalakal ang mga seramika, salamin, kuwintas, hiyas, garing, mabangong kahoy, metal (mga materyales at produkto), tela, pagkain (kabilang ang mga butil, alak, at espesya), aromatiko, at hayop, at iba pa. Nagkaiba ang mga produkto na dinala ng mga barkong pangkalakal sa bawat rehiyon at daungan.[7]:132-133, 186, 216
↑"Maritime Silk Road" [Maritimong Daang Seda]. SEAArch (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-01-05. Nakuha noong 2024-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Manguin, Pierre-Yves (Setyembre 1980). "The Southeast Asian Ship: An Historical Approach" [Ang Timog-silangang Asyanong Barko: Isang Makasaysayang Pamamaraan]. Journal of Southeast Asian Studies (sa wikang Ingles). 11 (2): 266–276. doi:10.1017/S002246340000446X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Flecker, Michael (Agosto 2015). "Early Voyaging in the South China Sea: Implications on Territorial Claims" [Maagang Paglalayag sa Dagat Timog Tsina: Mga Implikasyon sa Mga Pag-aangkin sa Teritoryo]. Nalanda-Sriwijaya Center Working Paper Series (sa wikang Ingles). 19: 1–53.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Tsang, Cheng-hwa (2000). "Recent advances in the Iron Age archaeology of Taiwan" [Mga kamakailang pagsulong sa arkeolohiya ng Panahon ng Bakal ng Taiwan]. Bulletin of the Indo-Pacific Prehistory Association (sa wikang Ingles). 20: 153–158. doi:10.7152/bippa.v20i0.11751 (di-aktibo 2024-04-12). ISSN1835-1794.{{cite journal}}: CS1 maint: DOI inactive as of Abril 2024 (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Bellwood, Peter; Hung, H.; Lizuka, Yoshiyuki (2011). "Taiwan Jade in the Philippines: 3,000 Years of Trade and Long-distance Interaction". Sa Benitez-Johannot, P. (pat.). Paths of Origins: The Austronesian Heritage in the Collections of the National Museum of the Philippines, the Museum Nasional Indonesia, and the Netherlands Rijksmuseum voor Volkenkunde [Mga Landas ng Pinagmulan: Ang Pamanang Austronesyo sa Mga Koleksyon ng Pambansang Museo ng Pilipinas, ang Museo Nasional Indonesia, at Rijksmuseum voor Volkenkunde ng Olanda] (sa wikang Ingles). ArtPostAsia. ISBN978-971-94292-0-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Mahdi, Waruno (1999). "The Dispersal of Austronesian boat forms in the Indian Ocean". Sa Blench, Roger; Spriggs, Matthew (mga pat.). Archaeology and Language III: Artefacts languages, and texts [Arkeolohiya at Wika III: Mga artepakto, wika, at mga teksto]. One World Archaeology (sa wikang Ingles). Bol. 34. Routledge. pp. 144–179. ISBN978-0415100540.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)